survivOLD

Paano nga ba ang Mabuhay sa Loob ng Home for the Aged?

Home

survivOLD: Isang Pananaliksik Papel

 

Janolo, John Robert; Justimbaste, Rachelle; Nada, John Wilfred; Pioquinto, Charmaine Mae; Saclot, Sandra Grace mula sa 1BSN4, UST Kolehiyo ng Narsing, T.A. 2008-2009 sa Patnubay ni Gng. Zendel M. Taruc, M. Ed.

 


PANIMULA

                  Ang relasyon ng pamilya ay isa sa mga pinakamahalagang bahagi ng kulturang Pilipino. Ang bawat isa ay bahagi ng mas malaking pangkat ng mga magkakamag-anak at ang buklod sa pamilya ay pinalaki pa ng tradisyon ng compadrazgo1. Makikita ang matinding pagpapahalaga sa mga relasyong ito sa kawalan ng mga retirement homes at bahay ampunan sa bansa (Steinberg, 2008).

                  Ngunit sa pagdaan ng panahon, hindi naiwasan ang pagdami ng mga institusyon na naglalayong tumugon sa pangangailangan ng makabagong pamilyang Pilipino. Nabigyang daan ang pagkakaroon ng mga bahay kalinga o mga nursing homes - pribado at pampubliko. Ang mga ito ay nangangakong magbigay ng pag-aaruga sa mga residente na hindi kayang ibigay ng kanilang mga pamilya.

_____________________________

 1compadrazgo-sistema ng pagpili ng ninong at ninang sa binyag